Wednesday, April 7, 2021


ANG KAPANGYARIHAN AY TANGING MAPANGANIB  KAPAG SINAMAHAN NG PANG-AABUSO



             Ang kapangyarihan ay matutunghayan sa kahit saang sulok ng mundo. Ito ay ating nararanasan sa ating pang araw- araw na pamumuhay kagaya ng kapangyarihan sa lipunan, paaralan, trabaho, at sa pamahalaan. Ang sinasabing kakayahan ay maaaring magkaroon ng negatibo at hindi patas na pakikitungo o maaari rin itong magbigay ng positibong kinalabasan depende na lamang sa paggamit nito. Ang kapangyarihan ay hindi kinakailangang bigyan ng kahulugan na masama at maperwisyo sa pagka't nagsisimula lamang ang problema kapag ito ay hinaluan na ng pang-aabuso. Maraming tao ang natulungan at nabuhay dahil sa kapangyarihan ng isang indibidwal subalit hindi ito ang palaging nararanasan ng karamihan. Umaabot sa punto na ang kapangyarihan ay ang mismong dahilan kung bakit maraming nasasawi at maraming naghahanap ng maayos na sistema ng hustisya. Humantong sa punto na ang kapangyarihan ay naririnig na bilang isang madilim na pang-aabuso mula sa mga taong nasa itaas at namamahala. Pag-asa ng taong bayan ay nabibigo dahil ang mismong magtatanggol sa mga walang kalaban-laban ay naakit nadin sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Sa panahon ngayon, ang mga tinitingala nating takbuhan ng mga inaaping mamamayan ay ang siya nang nangunguna sa paggawa ng kalupitan. Taon- taon tayong nagtitiis sa mga pagsasawalang bahala ng pamahalaan sa mga problemang ating dinadaanan.  Sila ay mas naging maginhawa ngunit ang mga mamamayang Pilipino ay lalong naghihirap sa kanilang pangdudungis at panglilinlang. Bakit kung sino pa ang dapat lapitan tila sila na ang dapat iwasan? Paano na nga ba makakabangon ang Pilipinas kung ang kanilang sariling tagapagtanggol ay kumakampi na rin sa mga masasamang balak ng sistema? 



        Ngayon ay aking ibabahagi ang mga kaganapan na naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Batay sa Yahoo News, may isang residente ng Cavite ang namatay dahil lumabag daw ito sa batas ng community quarantine curfew. Lumabas ito upang bumili ng tubig nang siya ay nahuli ng mga bantay ng nayon dahil sa paglabag sa 6pm na curfew noong Huwebes ng gabi. Dinala siya sa town plaza at pinilit na gumawa ng 300 push- ups. Umuwi siya na hindi nakakalakad ng maayos at pagdating ng Sabado, siya ay namatay dahil sa "Convulsion." Isa pang sitwasyon na naglalarawan ng pang- aabuso ng kapangyarihan ay ang insidente na nangyari sa mag- inang Sonya Rufino Gregorio at Frank Anthony Rufino Gregorio. Sila ay binaril ng walang kalaban laban ng isang pulis na si Corporal Jonel Nuezca. Ang sinabi ng anak ni Nuezca na "my father is a policeman" ay ang nagtulak ng mga tao sa galit sa pagka't ito ay nagpapahayag na pinalaki ang batang babae sa maling paraan. Ang posibilidad ng aksyon ng bata ay maaaring nanggaling sa kanyang natutuhan na ang mga pulis ay mayroong kapangyarihan upang gawin ang kanilang gusto gawin kahit na ito ay labag sa batas. Bilang wakas, matutunghayan din natin ang pang-aabuso ng kakayahan sa pamahalaan. Ilan lang sa mga halimbawa nito ay ang pagsangkot ng pagnakaw ni Ramon "Bong" Revilla Jr. sa Pork Barrel scam ngunit ang isyung ito ay hindi padin nakapagpigil upang siya ay maging isa sa mga idineklarang kandidato para sa halalan. Maraming nadismaya, nagalit at nalungkot dahil sa kalagayan natin ngayon. Ang mga pangyayaring ito ay hindi lamang natin mararanasan sa mga pulis o sa pamahalaan, ito din ay naihahayag sa paaralan, trabaho at kahit sa sarili nating mga tahanan.





            Ang pagbabago at rebolusyon ay walang deadline ngunit kung hindi ngayon, hanggang kailan ba tayo magbubulag bulagan? Sa katotohanan ang pang-aabuso ay maiiwasan kung hindi ito pinahihintulutan ng mga taong bayan. Ang pagbibigay ng kapangyarihan ng isang tao na nasa pamahalaan ay galing lang din naman sa mamamayan ng Pilipinas. Kung sa gayon, siguradong may kapangyarihan din tayong bagohin ang bulok na sistema ng ating sariling bansa. Simulan natin sa pamamagitan ng pagpili ng ating mga pinuno na may matuwid na intensyon para sa pagbabago ng Pilipinas. Isa ito sa mga bagay na nakakatulong sa ating nararanasan ngayon sa pagka't ang ating pinuno ay may kakayahang butihin ang mga maling batas na idineklara ng mga nakalilipas na namuno. Para naman sa mga kabataan na hindi pa pinapayagang bumuto, ang maaari nating gawin ay maging mulat sa mga katotohanang nangyayari sa ating paligid dahil magagamit natin ito kapag may karapatan na tayong bumuto. Ang ating mga natutunghayan na mga isyung panlipunan ngayon ay magsisilbing gabay para sa ating mga desisyon sa hinaharap. Kung ikaw naman ay nangangarap na maging bahagi ng politiko o pamumuno, karapatdapat mong linawin ang iyong mga magagandang intensyon para sa grupong iyong hinahawakan. Ang pagiging tapat at mapagkumbaba ay isa rin sa mga katangian na dapat mong mapagbubuti sa pagka't ang mga indibidwal ay umaasa sa iyo. Sa wakas, ang kapangyarihan ay hindi natatanging masama, nagiging problema lang ito kapag sinasamahan na ng pang-aabubso. 



8 comments:

  1. Mahusay ang pagkasulat! Tama ka Princess, meron rin akong natutuhan🙌

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat angela pagbutihin mo ang iyong pag- aaral <3

      Delete
  2. Wow! Wasto nga ang iyong inilahad na impormasyon,, napamangha ako sa gawi mo Princess!

    ReplyDelete
  3. Ako ay lubos na nagagalak sa impormasyong iyong inilahad sa blog mong ito kaibigan! Ipagpatuloy mo itong mahusay mong talento!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakatouch naman ang sinabi mo, kassy! Taos puso akong nagpapasalamat sa iyong pagbasa! Hanggang kailanman kita iisipin <3

      Delete
  4. Napakatumpak niyan, Princess! Ang paraan ng pagbuo at paghahatid ng iyong mga ideya at konsepto ay napakahusay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat mareng jhay! Napakabuti mong tao na may pagka anghel<3

      Delete

ANG KAPANGYARIHAN AY TANGING MAPANGANIB  KAPAG SINAMAHAN NG PANG-AABUSO                  Ang kapangyarihan ay matutunghayan sa kahit saang s...